Smiley

Kagabi napanaginipan ko si Wally, kaibigan ko noon na hindi ko na nakikita at nakakausap ngayon. Dati ka-text ko 'yon. Kaya kahit hindi kami nagkikita parang lagi pa rin kaming magkasama. Pero syempre sa paglipas ng mga araw (actually apat na buwan lang), nagsawa na rin kaming laging magka-text. Noong mga huling araw nga na magka-text kami, minsan "hehe" na lang ang narereply ko sa kawalan ng masabi. Minsan smiley na lang. At s'yempre 'yong smiley dapat 'yong naka-smile talaga. Kaya nga smiley, naka-smile. Pero may smiley na malungkot. Paano nga kaya naging smiley ang tawag sa malungkot na smiley. May smiley pa nga na umiiyak. Ang galing, `no? 'Yong smile-y... umiiyak!

Pero gaano nga ba kahalaga ang smiley? Parang napakawalang-kwentang bagay pero lagi naman nating nagagamit sa pagte-text at pagtsa-chat. Ano pa nga ba ang kahalagahan nito maliban sa katulad ng nasabi ko na (gamitin ang smiley pag wala nang masabi)?

Kausap ko kasi kagabi sa telepono 'yong isang kaibigan ko. Actually, ka-text ko rin 'yon. E, sira ang Smart. Amf Smart yan. Tatlong araw na delayed ang texting. Ayon kaya nagtawagan na lang kami. E, kapag tawag kasi maabala, lalo na pag landline ang gamit. Nagkataong sira pa ang cordless phone namin. Ang nangyari 45 minutes akong nakaupo sa tabi ng telepono. Pero kahit na may cordless or handsfree headset (para sa cellphone), abala pa rin. S'yempre may kausap ka, 'yong focus ng attention mo dapat nasa kausap mo. 'Pag text may interval ang pakikipag-usap. Sa mga intervals na 'yon marami ka pang pwedeng gawin.

So magkausap kami. After about 30 minutes sabi ko babay na. Ayaw pa n'ya. Saglit na lang daw. E, wala na akong masabi. Ganoon din naman s'ya. Hanggang sa kung anu-ano na lang ang nasabi ko. Pati panaginip ko no'ng nagdaang gabi ay nasabi ko. Napanaginipan ko kasing pasakay daw ako ng eroplano papuntang Boracay. Ayun ang ending nagplano tuloy kaming mag-swimming sa summer.

E, kung text 'yon, pwedeng smiley lang ang i-reply ko habang naghahagilap ako sa isip kung anong pwedeng sabihin. Pwedeng smiley lang muna habang busy akong nanonood ng tv. Smiley lang muna habang kumakain ako, naliligo o kaya'y habang pinapagalitan ang pamangkin ko na gabi na naman umuwi.

'Pag naman nagtatampo ka o kaya'y galit, pwede mong gamitin ang malungkot na smiley. Kesa maglitanya ka ng pagkahaba-haba para iparamdam na malungkot o galit ka, pwedeng :-( or :-/ na lang. O, 'di ba mas simple. Mas may dating. Hindi ka pa magmumukhang madaldal.

Masyadong useful ang smiley, `no?.

Text n'yo ko ah?!

P.S.

:)

3 comments :: Smiley

  1. hahaha. tawang tawa ako literal habang binabasa ko to. i so can relate. hehehehe.

    smiley na tawang tawa at naniningkit pa :

    XDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD

  2. same here... ^_^

    maraming pde paggamitan ng smiley and, tlagang npka useful.. pero sabi nga nila kung gus2 mo itago ang nrrmdman mo, idaan mo n lng sa ngiti.. in that way di nila mhahalata n may problema ka... tingnan mo ang mga clowns... lagi sila nka smile pero di natin alam kung tlga bang happy sila.. maari may problema sila like kung paano nila mppsaya ang mga bata, kung may msakit sa kanila...

    kgaya sa case ko.. ^_^ mdlas mkita nyo ako nka smile pero, sa tingin nyo ba happy ako hbang nka harap sa PC? ^_^ o di ba???

    hehehehe =)

  3. wahaha a gurl who just got back from the mountains and a man... na gustong mamundok?

    lighten up hey, hey!

Related Posts with Thumbnails